By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng dalawang airlines, AirAsia at Cebu Pacific, nitong Lunes, Pebrero 27, na mayroong alok na seat sale sa ilang mga piling araw.

Ang AirAsia ay may P33 na one-way base fare tickets na iniaalok para sa darating na 3.3 Travel Fest, habang ang Cebu Pacific naman ay iniaalok na ang “piso” fare para sa mga flight mula sa Clark.

Ayon sa abiso ng AirAsia, maaring makabili ng ticket ang mga miyembro nito sa naturang halaga sa pamamagitan ng kanilang website o app.

Anang AirAsia, ang mga flight mula Maynila patungong Tacloban ay kayang mabili sa halagang P133, habang ang Maynila-Hong Kong at Macao ay P1,033, at ang Manila to Shenzhen ay P1,433 lamang mabibili.

Ngunit ang booking period para sa mga naturang promo ng AirAsia ay mula Pebrero 27 hanggang March 5, 2023 lamang.

Ang travel period naman nito ay simula Pebrero 27 hanggang Setyembre 30, 2023 lamang, ayon sa airline.

Samantala, ang “piso” seat sale naman ng Cebu Pacific ay iniaalok mula ngayong araw, Pebrero 27 hanggang March 1, para lamang sa mga flight na manggagaling sa Clark International Airport patungo sa ibang lugar sa bansa o sa ilang piling bansa.

Mga ruta na saklaw ng piso fare ng Cebu Pacific:

  • Clark to Bacolod
  • Clark to Boracay
  • Clark to Cagayan
  • Clark to Cebu
  • Clark to Davao
  • Clark to Gensan
  • Clark to Iloilo
  • Clark to Bangkok
  • Clark to Hong Kong
  • Clark to Singapore
  • Clark to Macau
  • Clark to Narita

Ang travel period naman nito, ayon sa Cebu Pacific, ay mula April 21 hanggang Oktubre 29 ngayong 2023.

Leave a Reply