Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na tatagal ng hindi bababa sa dalawang linggo pa ang proseso ng pagsasapinal sa listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi ilalabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa nakatakdang petsa na Disyembre 15.
“The list of official candidates will not be released tomorrow as there are still a number of unresolved nuisance cases,” ayon kay Jimenez.
“We expect that the process of finalizing the list of candidates will take at least two more weeks,” dagdag pa niya.
Ang paghahain ng COC ay isinagawa noong Oktubre 1 hanggang 8, habang ang pagpapalit ng mga kandidato ay hanggang Nobyembre 15.
Dalawang kilalang aspirant, partikular na sina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte, ang opisyal na umatras sa pagkapangulo at pagkasenador.
Ilan sa mga naghahangad na maupo sa puwesto sa pagkapangulo ay kinabibilangan nina Vice President Leni Robredo, mga Senador na sina Manny Pacquiao at Ping Lacson, dating senador Ferdinand Marcos Jr., at Manila Mayor Isko Moreno. (By: Frances Pio)
