By: Frances Pio

––

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules, Marso 23, na inilagay nila ang 217 villages sa Northern Mindanao sa kanilang watchlist dahil sa posibilidad ng karahasan at iregularidad sa panahon ng halalan.

Sinabi ng pulisya na 72 sa mga nayon ay mula sa Lanao del Norte ang nasa ilalim ng Category Red o “areas of grave concern.”

Ayon kay Comelec Regional Director Francisco Pobe na ang Comelec at mga pulis ay magbubuo pa ng mga plano sa isa pang security meeting kasama ang mga opisyal ng militar.

Gayunpaman, ang kasalukuyang listahan ay may posibilidad pang madagdagan at mabago na magiging basehan sa pagtatalaga ng mga security forces sa bawat nayon.

Leave a Reply