By: Margaret Padilla
––
Kamakailan ay nag-upload ng vlog ang Kapuso actress at style icon na si Heart Evangelista sa kanyang YouTube channel kung saan kinumpirma niya na “may mga personal siyang pinagdadaanan.”
Gayunpaman, umaasa siya na magiging mas maayos ang mga bagay bagay sa lalong madaling panahon.
“But you know, at the end of the day, I’m still very grateful and as long as there’s life, there’s hope,” aniya.
Inilarawan ni Evangelista ang takbo ng kanyang buhay. Mahirap daw ang pinagdadaanan niya dahil sa mga tsismis na hiwalay na ang kasal nila ni Chiz Escudero.
“I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who goes against the tides and lets the waves crash on me. I’m not going to lie — I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind,” ang pahayag ng actress.
“I’m not going to deny, I’ve been going through some personal struggles, like I feel a lot of pressure in my life, and now, I’m in a search of being happy,” she disclosed further.
Ipinahayag ni Evangelista na kasalukuyan, hinahangad niyang maging masaya dahil sa pressure at challenges na kanyang nararanasan sa kanyang buhay.
“It’s about the simplest things in life that are very important and that make a person happy — that’s where I’m at now. I feel like, at the end of the day, it’s your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not relying on anyone that matters,” she added.
“It’s about the simplest things in life that are very important and that make a person happy — that’s where I’m at now. I feel like at the end of the day, it’s your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not relying on anyone that matters,” she added.
Una nang napansin ng mga netizens na binago ng aktres ang kanyang Instagram bio mula sa “Love Marie Ongpauco Escudero” sa “Love Marie” ilang linggo bago ang kanyang vlog.
Habang naobserbahan ng iba na pinanatili ni Evangelista sa kanyang Instagram profile ang description na “wife,” ang apelyido pa rin naman na naka-display sa kanyang Twitter account ay Escudero.
Ang nasabing pagpapalit ng pangalan ay nagresulta ng mga usap-usapan tungkol umano sa kanilang paghihiwalay, ngunit tahimik ang senador sa social media sa panahong ito. Ang kanyang pinakabagong mga post sa Facebook, Twitter, at Instagram ay ginawa noong nakaraang buwan. (Photo: Official Facebook page of Heart Evangelista)
