By: Francis Pio
Ibinunyag ni Ivana Alawi na siya, ang kanyang ina na si Fatima Alawi at kapatid na si Hash Alawi ay nagpositibo sa COVID-19, sa kabila ng mahigpit na pagsunod sa mga minimum health protocol.
Naging emosyonal si Ivana habang ikiniwento niya ang kanilang pinagdadaan dahil sa COVID-19 sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang channel sa YouTube kahapon, Enero 15. Malayo sa karaniwan niyang masiglang ang bungad sa vlog, hindi maganda ang pakiramdam ni Ivana nang ipahayag niya na nahawa siya ng virus.
“Siguro masasabi niyo na sa title at sa itsura ko, I’m not in a good position. Wala ako sa lugar na kaya kong magpasaya ngayon kasi ang bigat-bigat ng pinagdadaanan ko ngayon sa buhay. The virus that we really tried to stay away [from] and hindi magkaroon, e nagkaroon kami. Meron akong COVID,” sinabi ni Ivana.
Naalala ng aktres-vlogger kung paano niya mahigpit na sinunod ang mga minimum health protocols sa nakalipas na dalawang taon, maging ang pagsasailalim sa RT-PCR tests nang tatlong beses sa isang araw tuwing may shoot, na palaging lumalabas na negatibo.
Pagkatapos ay hinimok din ni Ivana ang publiko na maging responsable sa sandaling makaramdam ng mga sintomas, at sinabing walang sinuman ang dapat na nakakaangat sa batas pagdating sa pagsunod sa mga protocol.
“You have to take responsibility and you have to take accountability so if you are exposed or if you are [not feeling] well, huwag ka nang lumabas and maghintay ka nang five days, magpa-RT-PCR ka kasi ang hirap talaga guys,” paalala ni Alawi.
