MANILA, Philippines — Patuloy na nagpapagaling sa sakit na Dengue at Urinary Tract Infection ang ‘Darna’ lead star na si Jane de Leon. 

Sa bagong post ng aktres nitong Huwebes, ipinakita niya ang black and white na larawan habang nakasuot ng facemask at sunglasses. Anya, “I’m back! Thank you for all the love and prayers! Nagpapalakas pa rin pero lavaaarn na! 🙏🏻✨”

Nobyembre 30 nang ibalita ni Jane ang pagkakasakit dahilan para maging matumal ang kanyang pag-post sa social media. 

May bali-balita rin na pansamantalang iiwan ng aktres ang kanyang action series at si Jane de Leon ang hahalili bilang Green Darna. Wala pang kompirmasyon tungkol sa balita pero kumakalat na sa social media ang larawan ni Janella habang nakasuot ng Green Darna costume. 

Sa ngayon, mas tumitindi ang mga kaganapa sa seryeng Darna kontra sa mga dumaraming ekstra, lalo na ang pagiging ekstrang ng karakter ni Paolo Gumabao na inaasahan ngayon na magiging matinding kalaban ni Darna.

Leave a Reply