Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inilibing na ang labi ng pumanaw na mang-aawit at kampeon sa isang ABS-CBN talent show na “Pilipinas Got Talent”, na si Jovit Baldivino ngayong Miyerkoles, Disyembre 14.

Matatandaang pumanaw ang mang-aawit kamakailan lamang, Disyembre 9, matapos magkaroon ng komplikasyon dulot ng stroke.

Alas-12:00 ng tanghali nang ginanap sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa bayan ng Rosario, Batangas ang Misa para sa yumaong si Baldivino bago tumungo sa sementeryo.

Inilibing ang 29-anyos na mang-aawit Paradise View Memorial Garden sa Batangas din.

Ang huling paghahatid kay Baldivino ay punong-puno ng emosyon mula sa kanyang pamilya, kaibigan, at ang kanyang mga tagahanga na talagang naghintay ng pagkakataong masilayan ang kanilang idolo sa huling sandali sa kabila ng mahinang pag-ulan.

Leave a Reply