MAYNILA – Masuwerteng nasungkit ng isang mag-ama ang jackpot prize na nagkakahalagang P11.6 milyon sa 6/45 MegaLotto na lumabas noong Pebrero 27, 2023.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), pumunta ang mag-amang nakatira sa San Pablo, Laguna sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City para kuhanin ang napanalunan.

Photo source: PCSO

Photo source: PCSO

25-4-11-35-15-09 ang winning numbers noong nasabing araw, na mga numerong pinagsama-samang petsa ng kapanganakan at edad ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

“Yun pong mga numbers na itinaya ng Daddy ko ay mga dates po ng mga birthdays po namin at age ko po which is 35,” ayon sa anak.

Photo source: PCSO

Ikinuwento naman ng ama na dalawang beses niya itong tinayaan sa parehong araw at ibinigay ang isa sa kanyang anak.

“Meron akong pinuntahan sa may Plaza, tumaya ako ng 1pm tapos pagbalik ko sa sasakyan ko bandang 3 p.m., tumaya ulit ako ng parehong number,” kuwento ng tatay nang makapanayam ng PCSO.

“Pag-uwi ko sa bahay ibinigay ko sa kanya (anak) sabi ko tig-isa tayo kapag tumama hati tayo,” dagdag pa nito.

Nang tanungin naman ng PCSO ang mag-ama kung ano ang plano nila sa kanilang napanalunan, agad na sumagot ang anak.

“Wala muna po sir at this time, savings muna po. Ide-deposit muna po namin sa bangko kasi paalis po sila daddy this April. Pupunta po sila ni Mommy sa mga kapatid ko po sa Canada,” anang anak.

“Siguro pagbalik nila next year, doon na po namin iisipin kung ano po gagawin sa pera but basically, it is for our family’s future,” dagdag pa niya.

Leave a Reply