Share:

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbaba ng National Capital Region sa Alert Level 2 nitong Huwebes, Nobyembre 4. Ito ay Epektibo simula bukas, Nobyembre 5, 2021 hanggang Nobyembre 21, 2021.

Inaprubahan din ang rekomendasyon ng sub-Technical Working Group sa Data Analytics na ibabatay ang mga pagtatalaga ng Alert Levels sa datos na pinakamalapit sa petsa ng pagpapatupad.

Simula sa Disyembre 1, 2021, ang mga pagtatalaga sa mga Alert Levels ay tutukuyin tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan. Ang mga escalation, sa kabilang banda, ay maaaring gawin anumang oras sa kalagitnaan ng panahon ng pagpapatupad ayon sa kinakailangan, habang ang mga de-escalation ay maaari lamang gawin sa pagtatapos ng 2-week assessment period.

Inatasan ng IATF ang National Task Force Against COVID-19 (NTF), kasama ang mga Regional Task Force at Regional IATF, na magbigay ng lingguhang feedback sa progreso at pagpapatupad sa lahat ng lugar na nasailalim ng Alert Level System sa IATF.

Leave a Reply