By Frances Pio
––
Maaari nang makapasok ang mga hindi nabakunahan sa Lalawigan ng Bohol, isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga turista sa Central Visayas.
Naglabas si Bohol Gov. Aris Aumentado nitong Miyerkules, Setyembre 21, ng Executive Order (EO) na nag-aalis sa pangangailangang magpakita ng Covid-19 vaccination card o certificate of vaccination para sa asymptomatic inbound traveller.
Sinabi ni Aumentado na ang pagre-relax sa entry protocol sa Bohol ay isang paraan ng pagpapasigla sa lokal na ekonomiya at pagsisimula ng martsa tungo sa pagbangon ng ekonomiya.
“With the ongoing mass vaccination program of the national government and local government units (LGUs), it has been observed that the number of Covid-19 cases is no longer as high as it was at the start of the pandemic and certain provinces no longer require the presentation of vaccination cards or certificate of vaccination for inbound travelers,” sinabi ni Aumentado.
Sa EO No. 32, sinabi ni Aumentado na ang mga papasok na manlalakbay na nagpapakita ng mga sintomas ay kinakailangang magpakita ng kanilang mga vaccination card ngunit papayagan pa rin silang makapasok.
“Inbound travelers exhibiting symptoms who could not present a vaccination card shall be advised to seek medical intervention and required to disclose his/her personal details and point of destination for possible contact-tracing,” sinabi ni Aumentado.
Sa pag-alis ng requirement na magpakita ng vaccination cards, nanawagan ang gobernador sa mga LGU sa Bohol na paigtingin ang kanilang vaccination drives.