By Frances Pio
–
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme ngayong darating na Mayo 9.
Karaniwang nagpapatupad ang MMDA ng number coding scheme sa Metro Manila mula alas-5 ng hapon hanggang 8 p.m.
Idineklara kahapon ng Malacañang na special non-working holiday ang Mayo 9 para payagan ang mga botante na bumoto.
Magpapakalat ang MMDA ng hindi bababa sa 90 tauhan upang mamahala sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa panahon ng halalan sa Lunes.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na karamihan sa mga traffic enforcer ay ipapakalat malapit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay kung saan gaganapin ang canvassing ng mga boto.
