Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa alkalde ng lungsod ng San Fernando sa Pampanga na si Mayor Vilma Caluag, magpapaabot ng pabuyang nagkakahalagang P100,000 ang lokal na pamahalaan para sa makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga pumatay sa isang kapitan sa naturang lungsod.

Noong Martes. Disyembre 27, binaril sa ulo ang Punong Barangay ng Sto. Rosario na si Jesus Liang matapos lapitan ng suspek ang kapitan habang naglalakad sa kahabaan ng Abad Santos St. papunta sa isang palengke.

Tumakas patungong V. Tiomico St. ang suspek sa pagpatay matapos niyang barilin ang kapitan.

Ayon sa pulisya ng lungsod, wala pang “person of interest” na hawak hanggang ngayon.

Mayroon anyang nakalap na mga video clips at nagsagawa na rin ang mga awtoridad ng mga panayam.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari upang matukoy ang salarin at ang motibo nito sa pagpatay.

Leave a Reply