By Frances Pio
––
Sinira ng Super Typhoon Karding (international name: Noru), na nanalasa sa Luzon noong Linggo at Lunes, ang mahigit P1 bilyong halaga ng mga pananim at iba pang produktong pang-agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isang advisory, iniulat ng DA na ang pagkalugi sa agrikultura noong Martes ng hapon ay lumubo l sa P1.29 bilyon, na sumasakop sa 72,231 metrikong tonelada ng ani na nakatanim sa 141,312 ektarya ng lupa.
Ang Bagyong Karding, na nanalasa at inilubog sa baha ang mga sakahan sa Central Luzon, ay nakaapekto sa kabuhayan ng 82,158 magsasaka at mangingisda sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Bicol.
“These values are subject to validation. The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high-value crops, livestock and fisheries in all affected regions,” sinabi ng DA.
Sa mga subsector ng agrikultura, ang sektor ng bigas ang pinakamatinding tinamaan, na nagdulot ng pinsala na nagkakahalaga ng P959.8 milyon, na sumasaklaw sa 138,843 ektarya at ang dami ng pagkawala ng produksyon ay nasa 63,115 MT. Nagkakahalaga ito ng 74.45 porsyento ng kabuuang pagkalugi.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary-designate for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista na pinag-aaralan nila kung paano makakaapekto sa rice self-sufficiency level ng bansa ang pinsalang natamo ng sektor ng bigas.
“We are coordinating with them how 6,000 metric tons will affect the sufficiency, not only the supply, but more importantly, the volume of rice that arrives in Metro Manila considering that Central Luzon was affected, which is our main source of vegetables and rice,” ani Evangelista.
