By: Margaret Padilla 

Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) sa self-rated poverty, halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino, o humigit-kumulang 10.9 milyong katao, ay patuloy na naniniwalang sila ay mahirap.

Sinasalamin nito ang pagtaas mula sa 10.7 milyong tao na naiulat noong Disyembre 2021.

Ipinaliwanag din ng ulat, na inilabas noong Miyerkules, na ang national median self-rated poverty threshold (SRP Threshold) – o ang average na buwanang badyet na kinakailangan para ng isang pamilya upang hindi ituring ang sarili na mahirap – ay tumaas mula ₱12,000 hanggang ₱15,000.

Ang Metro Manila ang may pinakamababang rate ng self-rated poverty sa 32%, na sinundan ng Luzon na may 35% (bumaba mula sa 41%), habang ang Mindanao ang may pinakamataas na rate sa 60% (mula sa 43%), na sinundan ng Visayas sa 48 % (bumaba mula sa 59 porsyento).

Bukod dito, nakasaad din na sa tinatayang 10.9 milyon na self-rated na mahirap na pamilya noong Abril, 1.5 milyon ang “bagong mahirap,” 1.1 milyon ang “karaniwang mahirap,” at 8.2 milyon ang “palaging mahirap.”

Higit pa rito, nanatili sa 31% ang ratio ng mga Pilipinong itinuturing ang kanilang mga pamilya na “food poor” – o ang nag-rate sa kanilang sarili bilang mahirap batay sa pagkain na kanilang kinakain.

Sinabi ng SWS na ang “threshold has remained sluggish for several years despite significant inflation, indicating that poor families’ quality of life or living standards have been reduced.”

Leave a Reply