Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nag-donate ang pamahalaan ng Taiwan ng $400,000 o humigit-kumulang P22.9 milyon sa mga biktima ng bagyong Paeng bilang humanitarian aid.

Noong Nobyembre 11, ibinigay ng kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) ang donasyon kay Silvestre Bello III, Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman.

Ayon sa pahayag ng pamahalaan ng Taiwan, bilang pinakamalapit na kapit-bansa ng Pilipinas, nakikiramay ang mga mamamayan nito sa mga nasabing biktima ng trahedyang dulot ng bagyo.

Ipinabatid din nito ang kanilang tao-pusong pakikiramay sa mga pamilyang tinamaan ng kalamidad.

Taiwan will continue to collaborate with the Philippines on disaster prevention and climate resilience, and strengthen bilateral ties, including areas on agriculture, education, and tourism, to further enhance the well-being of both peoples,” dagdag nito.

Pinasalamatan naman ni Bello ang Taiwan para sa pagiging bukas-palad nito sa Pilipinas.

Leave a Reply