By Jude Sagun

––

Xander Ford/FB

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng social media star na si Xander Ford sa kanyang Instagram ang excitement sa pagbubuntis ng kanyang Girlfriend. 

“This is my first time experience. Hindi ko alam paano ako mag-uumpisa pero alam ko masaya ako kasi ito na sya, ilang months na lang malalaman na namin ang gender nya, ngayon pangalan na lang ang pag iisipan namin. Excited na po ako,” ani Xander Ford. 

Sa kabila nito, marami pa ring mga netizen ang hindi napigilang kutyain ang social media star gayong naging kontrobersyal si Xander bilang pasaway na influencer. 

Una si Xander na nakilala bilang Marlou Arizala, at naging tampulan ng tukso dahil sa kakaibang dating nito. Taong 2017, nang mag-new look ito matapos na dumaan sa ilang plastic surgery procedure, ngunit ang mga netizen mukhang hindi natuwa sa “mayabang” na asal raw ni Xander matapos ang transformation. 

Taong 2020 naman nang gulatin ni Xander ang marami nang makulong ito dahil sa paglabag sa violation of the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, sinundan pa ito ng rebelasyon ng umano’y miyembro siya ng LGBTQIA+ community. Maraming nag suspetsa na palabas lang ito para lusutan ang kinakaharap na kaso ng pang-aabuso umano sa dating naging kasintahang babae. 

Makalipas ang ilang taon, magiging tatay na si Xander sa pinagbubuntis ng pinakilala niyang “wife” na si Gena Mago. Ayon kay Xander, nakilala niya si Gena sa social media nang i-chat matapos mapanood ang pagganap nito bilang human doll sa programang KMJS. 

“Nung nakita ko na ,maganda pala yung gumanap Imbis na magalit ako niligawan ko sobrang nakakatawa lang nagsimula kami bilang galit ako sa kanya hanggang sa maging kami real quick. At nagsimula kami sa story namin as a couple. Sobrang saya ko kasi mag tu-two Years na kami,” saad ni Xander. 

Leave a Reply