Pinili ang inisyal 100 eskwelahan ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng limited face-to-face classes. Kinausap din ni Education Secretary Leonor Briones ang 20 pribadong paaralan na sumali sa pilot run.
Ang 120 nasabing eskwelahan ay galing sa low-risk areas sa bansa. May pahintulot na ang nasabing plano ng DepEd mula sa Department of Health (DOH). May guidelines na rin na ginawa ang dalawang departamento.
Magsisimula na ang school year sa Septyembre 13, 2021, ngunit hindi malinaw kung magsisimula ang pilot run sa unang araw mismo ng pasukan dahil wala pang pahintulot ng Presidente.