Limangpung magsasaka mula sa Maguindanao ang naging Agrian Reform Beneficiaries (ARB), matapos nila matanggap ang titulo ng kanilang lupa mula sa Bangsamoro government.
Tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR). Si Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang mismong nag-abot sa mga magsasaka ng kanilang CLOA.
Binahagi rin ni Chief Minister Ebrahim na karamihan sa mga nakatanggap ng lupa ay dating mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).