By: Francis Pio
Nasa 200 bahay sa kahabaan ng silangang baybayin ng lungsod ng Zamboanga ang nasira dahil sa storm surge dahil sa Bagyong Odette.
Sinabi ni Social Welfare and Development Officer Socorro Rojas na nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 206 na apektadong pamilya na naninirahan sa purok 1 hanggang 5 ng Barangay Labuan.
Nakasaad sa datos ng CSWD na 120 bahay ang nawasak habang 86 ang bahagyang nasira.
Tinulungan ng mga opisyal ng Barangay Labuan at mga tauhan ng pulisya ang mga tauhan ng CSWD sa pagsasagawa ng assessment at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Nakaranas ang Zamboanga City ng mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na dala ni Odette noong Biyernes ngunit napinsala ng malakas na hangin at malalaking alon ang mga bahay sa kahabaan ng silangang baybayin nito.
