By: Francis Pio
Nasa ilalim ng state of calamity ang Negros Occidental matapos ang pananalasa ng Bagyong “Odette” na ikinasawi ng 38 katao at sumira ng P5.9 bilyong halaga ng ari-arian, imprastraktura, at mga hayop.
Inilabas ni Negros Occidental Gov. Jose Lacson ang Executive Order No. 21-39 na naglagay sa buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity.
Sa ilalim ng EO, hiniling sa provincial board na aprubahan ang isang resolusyon para sa pagpapalabas ng bahagi ng calamity fund para mabigyan ng agarang tulong ang mga naapektuhan ni Odette.
Nanawagan din ito sa provincial board na magpasa ng resolusyon na mag-uutos ng price freeze sa mga basic at prime commodities para masugpo ang anumang mabilis na pagtaas ng presyo at pag-iimbak ng mga bilihin.
Ang executive order, na nagkabisa kaagad, ay aalisin base rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
