Share:

By Margaret Padilla

Ayon sa pahayag ng ABS-CBN, opisyal na ilulunsad ang lyric video para sa 2022 Christmas ID nito na “Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa,” sa Nobyembre 11, pagkatapos ng primetime newscast na “TV Patrol.”

Samantala, noong Miyerkoles, naglabas din ng back-to-back teaser ang multimedia network para ipasilip ang behind-the-scenes ng bagong Christmas ID nito.

Ang “Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa” ay sumunod sa “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa” bilang isang taon na slogan ng Pasko ng ABS-CBN. 

Taon-taon, inaabangan ng marami ang ABS-CBN Christmas Station ID dahil naging “pop culture phenomenon” na ito, kung saan ang mga kanta at tema ay naging bahagi na ng tradisyon ng Pasko ng mga Pilipino, ayon sa balita ng ABS-CBN.

Sa teaser video, sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Anne Curtis, ang magkasintahang KathNiel, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, KZ Tandingan, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid ay kabilang sa mga Kapamilya artist na nakitang nagre-record ng holiday theme song ng media company.

Ilan pa sa mga artistang ipinakita rin sa teaser ay sina Jed Madela, Erik Santos, Morissette, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Chito Miranda, Jane de Leon, Janella Salvador, Joshua Garcia, Francine Diaz, Seth Fedelin, Donny Pangilinan, Belle Mariano, KD Estrada, Alexa Ilacad, Darren Espanto, at AC Bonifacio.

(Photo from Sarah Geronimo PH/Facebook)

Leave a Reply