Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Palapit na nang palapit ang kompetisyon kung saan sasalang si Herlene Nicole Budol sa Miss Planet International na gaganapin sa Kampala, Uganda.

Nakatakdang ganapin ang beauty pageant na sinalihan ng pambato ng Pilipinas sa Nobyembre 19.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Binibining Pilipinas first runner-up nitong Miyerkoles ang araw ng kaniyang flight papunta sa nasabing bansa.

Isang araw na lang lipad ko na po papuntang Kampala, Uganda para sa @missplanetinternational 2022!” aniya.

Manalo o matalo suportahan niyo pa rin ako hanggang sa dulo ah,” dagdag ng kontesera.

Matatandaang nagpapasilip ng paghahanda sa nasabing beauty pageant sa kaniyang mga social media account upang makakuha ng suporta sa mga kababayan.

Ngayong, palapit na ang kaniyang laban, hiling din ni Budol na isama siya sa mga panalangin ng mga tagahanga.

Sa huli ay pinasalamatan din nito ang organisasyon, Binibining Pilipinas, at ang kaniyang manager na kamakailan lamang ay naging usapin sa social media na si Wilbert Tolentino.

Leave a Reply