By: Frances Pio

Hindi bababa sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog nitong Lunes sa Barangay Tetuan sa Lungsod ng Zamboanga.

Maliban sa isang residente na nakaranas ng second-degree burns, walang iniulat na nasawi, ayon kay Chief Inspector Jacqueline Ortega, ang City Fire Marshal ng Zamboanga.

Ngunit ang pinsala sa mga ari-arian ay aabot lang sa P500,000, dahil ang mga apektadong bahay ay karamihan gawa sa mga light materials, paliwanag ni Ortega.

Kinilala niya ang sugatang residente na si William Francisco, 50, na nagtamo ng second-degree burns sa kanang palad.

Leave a Reply