By: Frances Pio
Itinuturing ng mga mayor ng Metro Manila na hindi kinakailangan sa ngayon na ilagay ang kabisera ng bansa sa ilalim ng mas mahigpit na COVID-19 Alert Level 4 sa kabila ng tumataas na mga kaso ng coronavirus.
Ibinunyag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos nitong Lunes, na binanggit ang kasunduan ng local chief executives na panatilihin ang Alert Level 3 sa National Capital Region.
Ayon kay Abalos, napag-usapan ang bagay na ito sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) noong Biyernes, Enero 7.
“Ang kasunduan ng mga mayor is [in] the meantime, we will maintain Alert Level 3. They will continuously monitor kung anong mangyayari dito sa HCUR (hospital care utilization rate) at kung kinakailangang dalhin sa Alert Level 4 at any time, papasok namin,” ayon kay Abalos.
