By Frances Pio
––
Naghatid si Alex Eala ng isang makasaysayan na kampeonato matapos talunin ang player mula sa Czech Republic na si Lucie Havlickova, 6-2, 6-4, upang masungkit ang kanyang unang titulo sa US Open Girls Singles sa Flushing Meadows Sabado, Setyembre 10.
Naabot lang niya ang semifinals sa 2020 French Open, at dati nang nag-claim ng mga titulo sa Girls Doubles – sa 2020 Australian Open kasama ang Indonesian na si Priska Nugroho at ang 2021 French Open kasama ang Russian na si Oksana Selekhmeteva.
Napakaganda ng kanyang paglalakbay sa kampeonato kung saan hindi siya naglaglag ng isang set sa buong torneo na tanging sina Taylah Preston ng Australia at Victoria Mboko ng Canada ang naitulak sa isang tiebreaker ang laro laban sa kanya.
“Buong puso ko po itong pinaglaban hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis,” sinabi ni Eala matapos ang final.
Bilang nasa ika-10 rango sa tournament, idinikta ni Eala ang takbo sa opening set sa pamamagitan ng pagsira sa serve ng kanyang second-seeded na kalaban ng dalawang beses.
Nakasagupa ng Filipina ace ang matinding kumpetisyon sa second frame kung saan nahabol niya ang 3-2 at 4-3, ngunit nagawang humawak ng serve sa ikawalong laro para itabla ito sa 4-4.
Isang malaking service break para kay Eala ang nagbigay sa kanya ng mahalagang 5-4 lead bago isara ang laban sa malulutong na mga serve at isang huge shot.
“It was overwhelming for me right now, but it’s a huge step for me personally. I’m just happy to be able to contribute and inspire the young generation,” sinabi ni Eala.
Sa pagpunta sa final, dinurog ni Eala ang Canadian na si Annabelle Xu sa unang round, 6-3, 6-0; Slovakian Nina Vargova sa ikalawang round, 6-2, 6-3; eighth-seeded Preston sa ikatlo, 6-2, 7-6 (1); Russian 14th seed Mirra Andreeva sa quarters, 6-4, 6-0; at ninth-seeded Canadian Mboko sa semis, 6-1, 7-6 (5).
