By: Francis Pio
––
Hindi bababa sa dalawang hinihinalang rebeldeng komunista at dalawang sibilyan ang napatay sa engkwentro noong Peb. 8 sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Roxas, Bayan ng Catubig, Northern Samar.
Lumabas sa imbestigasyon na nagpapatrolya ang tropa ng 803rd Infantry Brigade sa lugar nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng pinaniniwalaang miyembro ng Front Committee 15 ng Sub-Regional Committee ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng dalawang grupo na nagresulta sa pagkakapatay ng dalawang hinihinalang rebelde at dalawang sibilyan. Kinondena nina Gov. Edwin Marino Ongchuan at Mayor Galahad Vicencio ang “barbaric acts” ng mga rebelde, na sa kabila ng presensya ng mga sibilyan, nagpaputok ng kanilang mga armas.
