Share:

By Frances Pio

––

Nagdeklara ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camiguin noong Lunes, Hulyo 4, ng African swine fever (ASF) outbreak sa lalawigan.

Iniutos ni Camiguin Governor Xavier Jesus Romualdo ang mas mahigpit na biosecurity measures na kinabibilangan ng pagbabawal sa pagpapadala ng mga baboy at pagpasok ng mga pork products sa isla na matatagpuan sa hilaga ng Northern Mindanao.

Kanya ring ipinagutos ang pagpatay ng ilang dosenang baboy sa loob ng 500-meter radius ng mga piggeries at backyard farms kung saan may nakitang impeksyon sa ASF.

Inutusan niya ang mga alkalde ng mga bayan ng Camiguin na tukuyin ang lahat ng mga babuyan sa likod-bahay o iba pa, at gumawa ng agarang mga hakbang sa uoang maiwasan ang pagkalat.

Sinabi ni Romualdo na ang pagbyahe ng mga baboy sa labas ng lahat ng barangay ng Camiguin ay ipinagbabawal maliban kung ang mga ito ay inilaan para sa pagproseso sa katayan ng lalawigan.

Ngunit kahit ganoon, ipinagbabawal ang pagkatay ng mga hayop maliban sa mga nakapasa sa mahigpit na inspeksyon bago ang pagkatay.

Sinabi ni Romualdo na hinala ng mga opisyal na kumalat ang ASF mula sa karatig Lalawigan ng Misamis Oriental.

Ayon sa Camiguin Provincial Veterinary Office na ang mga impeksyon ng ASF ay natunton sa Barangay Pandan sa Mambajao, ang kabiserang bayan ng lalawigan, matapos mamatay ang 14 na baboy noong Hunyo 22.

Leave a Reply