By Frances Pio
––
Nagpulong ang mga senador na sina Juan Miguel Zubiri, Christopher “Bong” Go, Robin Padilla, Imee Marcos, Francis Tolentino, Cynthia Villar, Mark Villar, at Ronald “Bato” dela Rosa sa isang restaurant sa Makati City noong Martes para pag-usapan ang mga hakbang na kanilang susuportahan.
“Nag-umpisa kami today na makipag-meeting sa ating mga kasamahan na Senador sa 19th Congress,” sinabi ni Zubiri.
“It was a very productive meeting at nagka-isa kami na suportahan ang mga panukala na kailangan ng ating Bansa para maibalik ang sigla ng ekonomiya, ibaba ang presyo ng bilihin at palakasin ang sector ng Edukasyon para sa mga Kabataan,” dagdag pa niya.
Ibinunyag ni Dela Rosa sa isang mensahe sa INQUIRER.net. na nag-usap din sila tungkol sa pamunuan ng Senado at mga komite ng Senado sa pulong.
Sinabi ni Zubiri na ang pagpupulong noong Martes ng umaga ay ang unang batch at ang pangalawang batch ay ginanap sa hapon ng parehong araw.
Noong Martes din, iniulat ng Philippine Statistics Authority na ang inflation rate para sa Hunyo ay pumalo sa three-year high na 6.1 porsyento.