Share:

Wala pa ring kasong naitatala ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire, ang naiulat na dalawang kaso ng Delta variant sa BARMM ay hindi galing sa rehiyon. Napag-alaman ng DOH na returning overseas Filipino (ROF) ang dalawang naiulat na kaso.

Sa ngayon, BARMM ay nananatiling low risk area kumpara sa ibang rehiyon sa Mindanao. Sumasailalim naman sa pagsusuri ang Central Luzon, Northern Mindanao, Western Visayas at Central Visayas upang matukoy kung may mga malawakang local transmission na ng Delta variant.

Leave a Reply