Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang granular lockdown status ng Metro Manila na magsisimula sa Sept. 8.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tinatapos pa ang paggawa ng guidelines sa ipatutupad ng quarantine status. Tanging mga lugar lang na makikitaan ng pag-angat ng kaso o deniklara na COVID-19 hotspots ang sasailalim sa hard lockdown.
Ipapatupad ang granular lockdown upang manumbalik ang sigla ng ekonomiya na naapektuhan ng lockdown. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, makakabuti kung sasabayan ang granular lockdown ng random mass testing at aggressive contact tracing.