By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Lunes, Nobyembre 7, aabot sa 15,000 katao ang namatay dahil sa matinding init ng panahon sa Europa nitong taon.
“Based on country data submitted so far, it is estimated that at least 15,000 people died specifically due to the heat in 2022,” pahayag ni WHO Regional Director for Europe Hans Klug.
Batid ng organisasyon na labis naapektuhan ang bansang Spain at ang Germany ng mataas na temperatura.
Mula Hunyo hanggang Agosto, naitala ang pinakamainit na panahon sa Europa.
Ani Klug, sa loob ng tatlong buwang tag-init, ang naiulat na bilang ng mga namatay sa Germany dulot ng panahon ay nasa 4,500, sa Spain naman ay tinatayang 4,000, higit 3,200 sa United Kingdom at higit 1,000 naman sa Portugal.
“This estimate is expected to increase as more countries report on excess deaths due to heat,” dagdag niya.
Dulot din ng mataas na temperatura sa nasabing kontinente, ang mga pananim ay nalanta rin.
Ayon naman sa WHO, ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa rehiyon ay heat stress, kapag hindi nakaranas ng lamig.
Delikado rin, sabi ng organisasyon, ang matinding init ng panahon sa mga may karamdaman sa puso, paghinga, at diabetes.