By: Margaret Padilla 

Isang grupong LGBTQIA+ sa Mindanao ang nagbigay ng voter education sa mga miyembro nito bilang tugon sa pagkalat ng fake news at disinformation na nagta-target sa mga kandidato sa pulitika sa social media.

Isa sa mga layunin ng “Bayot, Botar! (Bakla, Boto!),” ayon kay Salm Kairo Dumanlag, executive director ng Mindanao Pride, isa sa pinakamalaking organisasyon ng LGBTQIA+ sa Mindanao, ay upang maituro sa mga miyembro nito kung paano labanan ang mga fake news at disinformation.

“Ang hamon para sa LGBTQIA+ community ay huwag itong ikalat (fake news), bagkus ay mas maging mapanuri (sila),” sabi ni Dumanlag sa isang panayam sa Inquirer. 

Ang mga fake news at disinformation ay may posibilidad na imislead ang opinyon ng publiko tungkol sa mga kandidatong elektoral na tumatakbo sa pambansa at lokal na halalan ngayong 2022.

Ayon pa kay Dumanlag, ang voter education caravan, na nagsimula noong Abril 19 sa mga LGBTQIA communities sa Mindanao, ay isa ding travelling caravan, na tumitigil sa ibang lugar, tulad ng Zamboanga City sa darating na Abril 29.

Bukod dito, tinatalakay din dito ang empowerment ng LGBTQIA community at ang papel na kanilang maaaring gampanan sa buong electoral process. 

“Tuturuan namin sila kung paano bumoto nang maayos at kung sino (o ano ang qualifications) ang dapat nilang iboto,” aniya, at idinagdag na “pero, hindi kami nag propromote ng partikular na kandidato o partidong pampulitika.”

Ang LGBTQIA+ ay tumutukoy sa lesbian, bakla, bisexual, transgender, queer o questioning, intersex, at iba pang sub-group, pati na rin ang kanilang mga allies.

Leave a Reply