Inihayag ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol nitong Linggo na mamimigay ito ng P2,000 cash sa mga nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa isang post sa Facebook page nitong Linggo, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang “Bakuna: Sana All, Modaug pa ka sa Raffle!” promo kung saan hindi bababa sa 1,000 na nabakunahan ang mananalo ng P2,000.

Ang master list ng lahat ng nabakunahan sa Bohol ay magmumula sa Vaccine Information Management System-immunization registry (VIMS-IR) na ia-upload ng mga lokal na pamahalaan. (By: Frances Pio)

Leave a Reply