Sinimulan ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang four-province sortie sa CARAGA region sa pagbisita sa Siargao Island sa unang pagkakataon at gumastos doon ng mahigit P2 milyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa mga tao noong Sabado ng hapon, Nobyembre 27.
Ang Filipino boxing icon-turned-senator at ngayo’y presidential candidate ay nagbigay sa humigit-kumulang 2,000 katao na pumunta sa Siargao Sports Complex ng tig-P1,000.
Bukod pa riyan, binigyan din niya ang bawat isa sa kanila ng tig-limang kilo ng bigas, isang food pack, at isang t-shirt.
“It’s my personal money. It’s from God. I have been giving money to poor people since 2002,” sinabi ni Pacquiao, dinagdag pa niya na hindi ito dapat tignan bilang paghingkayat sa mga tao na siya ay iboto. (By: Frances Pio)
