Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isinuspinde ng Philippine National Railways ang lahat ng byahe nito ngayong hapon matapos maramdaman ang pagyanig na dala ng lindol nitong Miyerkoles, Disyembre 7.

Maraming netizens ang nagbahagi at nag-ulat sa social media matapos maramdaman ang lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, bandang alas-1:05 ng hapon nang tumama ang isang magnitude 5.3 sa gawing hilagang silangan ng Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte.

Inaasahan ding magkakaroon ng aftershock dulot ng pagyanig ngunit wala namang pinsalang inaasahan, ayon sa nasabing institusyon.

Base sa inilabas na impormasyon ng PAGASA, ang mga sumusunod ay ang naitalang reported intensities:

Intensity II – Quezon City

Instrumental Intensities:

Intensity V – Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte

Intensity IV – Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon

Intensity III – Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon

Intensity II – Tabaco, Albay; Dingalan, Aurora; Batangas City, Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, San Ildefonso, Bulacan; Sagnay, Camarines Sur;

Carmona, Cavite; Marikina City, Pasig City, Metro Manila; Gapan City, Nueva Ecija; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Infanta,

Pangasinan; Dolores, Infanta, Calauag, Quezon; Taytay, Tanay, Rizal

Intensity I – Legazpi City, Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad, Bulacan; Tagaytay City, Ternate,

Cavite; Candon, Ilocos Sur; Calamba, Los Banos, Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City, Metro Manila; Mapanas, Northern

Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Calapan City, Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, Quezon; Angono, Morong, Antipolo,

Cainta, Rizal  

Payo naman ng PNR, abangan ang anunsyo nito ukol sa pagbabalik-operasyon ng byahe nito.

Leave a Reply