By Christian Dee
Ayon sa Offcer-in-Charge ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na si Rueli Rapsing sa isang panayam ng ABS CBN News Channel, malakas na ulan ang dinanas ng probinsya ng Cagayan nitong Sabado, Oktubre 15.
“Saturday night or Saturday afternoon, lumakas na yung mga pag-uulan dito sa aming probinsya. At ‘yon nga ang nagdulot ng maraming pagbabaha na mga marami po sa mga municipalities natin,” ayon kay Rapsing.
Aniya, umabot sa halos 17 na munisipalidad ang inilikas kahapon at mabilis namang humupa ang tubig baha.
Sinabi rin nito na, “Sa ngayon, mangilan-ngilan na lang ang nasa evacuation centers po naitn. Karamihan po sa kanila ay nakabalik na sa bahay.”
Kinumpirma naman din ni Rapsing na ang bayan ng Ballesteros na lamang ang nananatiling may katubigan dulot ng bagyo.
