By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes, Oktubre 17, na maari nang mapakinabangan ng mga taxpayers ang electronic appointment (eAppointment) service sa pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan nito sa buong bansa.

Sa isang pahayag ni BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, sinabi nito na upang maiwasan ang mahabang pila sa kanilang mga tanggapan at mapanatili ang health protocols o COVID-19 restrictions.

Aniya, maaring buksan ang naturang online service sa kanilang website.

Sinabi rin ng Commissioner na halos 100 na tanggapan ng ahensya.

It is available with the agency’s 99 out of the 132 revenue district offices across the country,” sabi ni Guillermo.

Saklaw ng eAppointment ang pagrerehistro ng mga negosyo, authority to print (ATP) receipts and invoices, pagrerehistro ng mga books of accounts, aplikasyon para sa Taxpayers Identification Number (TIN) at marami pang iba pa.

Leave a Reply