Pinayagan ng Pamahalaang Lungsod ng Carcar nitong Miyerkules, Disyembre 1 na muling magbukas ang isang food park doon matapos ipag-utos na pansamantalang itigil ang operasyon nito dahil sa umano’y paglabag sa mga health protocol.

Naglabas si Carcar City Mayor Mercedita Apura ng Executive Order (EO) No. 39, na nag-aalis ng suspensiyon na kanilang ipinataw sa Paseo de Carcar, na sa huli ay nagbigay sa establisyimento ng go-signal upang ipagpatuloy ang negosyo.

“For humanitarian reasons, it is now proper to lift the suspension of full business operation after almost a month that the establishment-owners religiously complied with the terms of the previous executive orders,” inihayag ni Mayor Apura sa EO na kaniyang inilabas.

Gayunpaman, ipinunto ni Apura na ang paghahain ng alak at iba pang inuming may alkohol ay nanatiling ipinagbabawal hanggang Disyembre 31. Maaalala na pinatawan ang food park ng suspensyon matapos kumalat ang mga video at pictures na nagpapakita ng paglabag sa protocols noong Nob. 6. (By: Frances Pio)

Leave a Reply