Nagbukas ang Cebu City Government ng isa pang vaccination site para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 taong gulang sa Robinsons Cybergate noong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021.

Sinabi ni Dr. Jeffrey Ibones, pinuno ng Cebu City Health Department (CHD), na ito ang pangalawang site na tatanggap ng mga menor de edad, ang una ay ang Southwestern University (SWU) campus.

“We are planning to open more sites but amo lang sang gihinay-hinay tungod kay ang uban natong site, naa man gud siya’y mga second dose. Mao nang kani lang sa ang duha,” ayon kay Dr. Ibones.

Hinikayat ni Dr. Ibones na kung hindi makakasama ang mga magulang o guardian, maari silang magbigay ng letter of concent para sa kanilang mga anak. (By: Frances Pio)

Leave a Reply