Naghahanda na ang mga opisyal sa Cebu City para sa pagpapatupad ng limitadong in-person classes sa mga non-medical programs sa kolehiyo at unibersidad.

Ang Cebu City Emergency Operations Center (EOC) nitong Huwebes, Nobyembre 18, 2021, ay nag-anunsyo na sila ay mag-iinspeksyon sa mas maramip pang mga institusyon ng mas mataas na edukasyon ngayong pinahintulutan ng pambansang pamahalaan ang mga nasa ilalim ng Alert Level 2 na bumalik sa tradisyonal na istilo ng pagtuturo.

Sinabi ni Konsehal Joel Garganera, hepe ng EOC, na ang EOC ay nakabuo na ng hindi bababa sa apat na grupo upang magbabantay sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad sa lungsod.

Ang mga grupong ito ay binubuo ng mga opisyal at doktor mula sa Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED), at EOC, ayon kay Garganera. (By: Frances Pio)

Leave a Reply