Share:

By: Margaret Padilla

––

Ang paboritong Chickenjoy ng Pinoy ng fast-food giant na Jollibee ay patuloy na sumisikat sa ibang bansa.

Tinanghal ng Eater.com, isang pandaigdigang website ng pagkain na pag-aari ng Vox Media, ang “juicy-licious, crispy-licious” Jollibee Chickenjoy “ang pinakamahusay na chain ng fried chicken sa America,” at tinalo ang higit sa 15 global brands.

Ayon sa ulat ng Esquire Philippines, sinubukan ng Eater.com ang 16 sa pinakamahusay na international food brand sa America na nag-aalok ng iba’t ibang uri ng fried chicken, at naungusan ng Jollibee ang 15 sa Bones and Bones vs.Sauced categories.

Tinalo ng Jollibee Chickenjoy ang Bonchon, half-and-half sa final round.

Pinuri ni Lesley Suter, Special Projects Editor sa Eater.com, ang Chickenjoy at sinabing ito ay may “subtly seasoned skin” pati na rin ang karne nito na may “satisfyingly light, flavorful in a ‘tastes like chicken’ sort of way, and super moist.”

Samantala, ang Jollibee signature gravy, ayon sa editor, ay “more than just an optional dunk, but it rather completes the dish.” Dagdag pa niya, “It is gelatinous in a way I can only describe as naughty, while proudly showing its Filipino colors with a hefty dose of sugar.”

“The Filipino fried chicken chain made its U.S. debut in 1998 and has since developed a cult following for its Chickenjoy, or bone-in fried chicken, as well as its meat-topped spaghetti (though that won’t be a factor in this judging,” ang pahayag ng Eater.com.

“We are honored that our beloved Chickenjoy has been named as among the best-fried chicken restaurants in the United States,” ang sabi naman ni Maribeth dela Cruz, pangulo ng Jollibee Group for Philippine Brands in North America.

Pangunahing layunin ng Jollibee, ayon kay dela Cruz, ay ang maghain ng napakasarap na pagkain at magdala ng kagalakan ng pagkain sa lahat, at ang kumpanya ay nasasabik na parami ng parami ang mga tao sa buong mundo ang natutuklasan ang sarap ng crispylicious, juicylicious Chickenjoy.

Ang Jollibee, Chowking, at Red Ribbon ay ang mga tatak ng Pilipinas ng Jollibee Group sa North America. Sa 83 mga lokasyon sa North America at higit sa 1,500 na mga restaurants sa buong mundo, ang global presence ng Jollibee ay lumalawak.

Sinabi ng Esquire Philippines na ang Jollibee Times Square, ang pinakabagong lokasyon ng kumpanya sa New York, ay nakatakdang magbukas sa Agosto 18. (Photo: A screengrab from Jollibee ads | Adobo Magazine)

Leave a Reply