Ang alkalde ng isang Islamic town sa Lanao del Sur ay naghain ng kanyang kandidatura para sa muling mahalal kasama ang kanyang pinsan bilang kanyang running mate para sa May 2022 elections. Natatangi ang tandem nila Tamparan Mayor Mohammad Juhar Dimaporo Disomimba at ang kanyang pinsan na si Al-Haroun Rashid III “Toxi” Disomimba Lucman, dahil magkalaban sa Halalan noong 2019 ang dalawa.
Bilang isang debotong Muslim, isinantabi ni Disomimba ang kanilang mga pagkakaiba para makipagtulungan kay Lucman sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD). Ipinanganak ang magpinsan na may political pedigree. Ang lolo ni Juhar sa ina at dating gobernador ng hindi pa nahahati na probinsya ng Lanao na si Sultan Mohammad Ali Dimaporo at ang kanyang ama, ang yumaong Mayor Sultan (sa Masiu) Topaan Disomimba, ay iginagalang dahil sa kanilang mabuting pamamahala. (By: Frances Pio)