Share:

Sumailalim sa total lockdown ang Davao City Hall of Justice ngayong Lunes, Setyembre 6, at tatagal ng 11 araw hanggang Setyembre 17. Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng korte.

Ayon kay Emmanuel C. Carpio, presiding judge ng Davao City Regional Trial Court (RTC), sa kanyang liham kay Court Administrator Jose Midas P. Marquez ng Supreme Court nung Septyembre 5, na nirekomenda ng City Health Office ang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at ng mga variant nito sa korte.

Labing dalawa (12) ang nagpositibo sa COVID-19 na empleyado base sa test na sinagawa nung Setyembre 2 at 3. Sa ngayon, Davao City ang may pinaka maraming kaso ng COVID-19 sa Mindanao ayon Department of Health (DOH).

Leave a Reply