Inamin ni Sunshine Dizon na pabor sya na magkaroon ng divorce law sa Pilipinas. Ito ay para magkaroon ng pagkakataon na magsimula ulit.
“Minsan talagang hindi na talaga sila para sa isa’t isa so I hope the laws will push through regarding divorce here in the Philippines so that magkaroon naman ng freedom ‘yung mga tao para magmahal ulit, magsimula ulit. So that’s my take on it,” sabi ni Sunshine.
Ito ang kanyang pahayag sa isang interview para sa kanyang bagong teleserye na “Marry Me, Marry You,” na ipapalabas sa Kapamilya network. Sa ngayon, wala pang batas sa Pilipinas tungkol sa divorce.