Share:

Mga migrant workers na nakatira sa Davao City na aalis na sa loob ng dalwang linggo ay maaaring humingi ng digital vaccination certificates mula sa booth na itinayo para pabilisin ang pamamahagi nito. Matatagpuan ang booth na binuksan ng lokal na pamahalaan sa Teen Center Facility malapit sa the People’s Park.

Hangad ng programang ito na tulungan ang mga migrant workers na nahihirapang makakuha ng internationally accepted vaccination certificates.

Kailangan lang magdala ng mga residente ng Davao City ng kanilang vaccination cards at valid identification cards. Sa mga nawala ang kanilang vaccination card ay kailangang magdala ng affidavit of loss upang makakuha ulit ng vaccination card mula sa pamahalaan.

Leave a Reply