Share:

Dalawang doktor ang naghain ng kandidatura sa pagkasenador para sa darating na Halalan 2022. Pareho nilang iginiit na kinakailangan na mga eksperto ang mamuno para sa pandemic response ng gobyerno. Anila nananatiling insufficient ang response ng gobyerno.

Ang medical doctor at abugadong si Leo Olarte na dating presidente at kasalukuyang legal affairs chief ng Philippine Medical Association ay naghain ng kandidatura sa pagkasenador. Iginiit niyang kailangan ng Senado ng medical professional upang matugunan ng wasto ang pandemya.

“Kailangan po ng doktor sa Senado para magamot ang number one problema ng mundo at Pilipinas, ang COVID-19… The logical solution for this COVID will come from medical experts, and not from any field,” pahayag ni Dr. Olarte.

Si Eye Bank President Dr. Minguita Padilla ay naghain din ng kandidatura sa pagkasenador. Ayon sa kaniya,“Kulang ang pagtugon sa pandemya. Inuuna ang kapakanan ng negosyo…at garapalang pagpapayaman sa kabila ng labis na paghihirap nating lahat.” (By: Frances Pio)

Leave a Reply