Share:

By: Margaret Padilla

Ipinahayag ni Kalihim Christina Garcia-Frasco na inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Tourism (DOT) na maging isa sa mga “major economic contributors” upang tulungan ang bansa na makabangon mula sa epekto ng pandemya nitong mga nakaraang taon.

Ayon sa Philippine News Agency, sinabi ni Frasco nitong Lunes na ang ahensya ay itinuturing na isa sa mga makabuluhang economic core ng bansa na tutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemya sa ilalim ng bagong administrasyon.

“Hindi lamang natin dapat ipagpatuloy ang gawaing ginagawa natin, ngunit kailangan nating magsikap na ibigay ang lahat ng ating makakaya sa loob ng kung ano ang posible,” aniya.

Sa panahon ng pandemya, ang turismo ay isa sa mga pinaka-apektadong industriya.

Ipinahayag ng kalihim na sisimulan niya ang isang inspeksyon sa mga regional offices ng DOT sa buong bansa sa loob ng susunod na linggo.

Sinabi niya na, bilang karagdagan sa pagbuo ng national policy, ang DOT ay “in touch with the realities on the ground” at tututuon sa mga lugar ng turismo, mga tao, at mga produkto na “hindi nabigyan ng pantay na pagkakataon.”

Muling iginiit ni Frasco na ang layunin ay ang mauna sa mga kasalukuyang isyu na kailangang tugunan at makabuo ng mga solusyon na maggagarantiya ng ganap na rehabilitasyon at recovery ng industriya ng turismo.

Ayon sa dating alkalde ng Liloan sa lalawigan ng Cebu, isang tanyag na destinasyon ng mga turista, kritikal ang gawaing ginagawa sa central office at regional offices sa buong Pilipinas dahil ito ang magdedesisyon kung ang Department of Tourism ay maaaring patuloy na maging malakas na katalista para sa pagbangon ng ekonomiya. 

“All of our partners in the local government units in the 81 provinces, over 140 cities, and over 1,400 municipalities across the Philippines, to extend to them the hand of collaboration from the DOT, and to send across the message that we are here to help the industry arise and recover,” ang dagdag pa ng kalihim.

Leave a Reply