Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Bumisita kamakailan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa New Manila International Airport sa Bulacan upang mag-inspeksyon kasama si San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang ayon sa ahensya.

Matatandaang sinimulan ang pagtatayo ng bagong airport noong taong 2019 at inaasahang magsisimula ang komersyal na operasyon nito sa 2027.

Ang itinatayong paliparan ng San Miguel Holdings Corp at San Miguel Aerocity Inc. sa naturang probinsya ay nagkakahalagang P735 bilyon ayon sa ahensya.

Sinabi rin ng DOTr na ang mga land development works naman ay ginagawa ngayon sa 1,693 ektaryang paliparan na may layong 35 kilometro mula sa Metro Manila.

Samantala, kinumpirma naman ng SMC na bumisita ang mga kinatawan ng DOTr upang tingnan ang progreso ng NMIA Project.

We confirm that the representatives of the DOTr visited the site to monitor the progress of the New Manila International Airport (NMIA) Project located in the province of Bulacan and that the NMIA is targeted to start commercial operations by 2027 in accordance with the [consession] agreement,” sabi ng SMC sa isang pagsisiwalat sa stock exchange.

Photo from DOTr Philippines/Facebook

Leave a Reply