Share:

By Christian Dee

MANILA, Philippines — Inanunsyo ngayong araw ng singer at ‘Social Media Star’ na si Bella Poarch ang hiatus sa social media matapos kumpirmahin ang kanyang pakikipag-divorce. 

Ayon sa ulat, palihim na ikinasal si Bella kay Tyler Poarch noong January 2019 at kamakailan rin nang maibalita ang pakikipag-divorce nito sa asawa. 

Sa Legal documents na nakuha ng TMZ sa Los Angeles County, “irreconcilable differences” ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Poarch sa asawa, habang wala naman itong hinihiling na suporta mula kay Tyler. Ayon din sa ulat, walang anak sina Bella at Tyler. 

Ngayong araw, November 29, naglabas na ng pahayag si Bella at humingi muna ng ‘privacy’ sa fans. 

Hi everyone, I’m sorry if everyone thinks I’ve been keeping a secret. I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler’s privacy,” ani Bella. 

Sa ngayon, pansamantalang ipauubaya ni Bella sa kanyang team ang pag-post sa kanyang mga social media accounts. 

Leave a Reply