By: Francis Pio
Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Davao City councilor bilang pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).
Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Miyerkules, Enero 12, na pinirmahan ni Duterte noong Huwebes, Enero 6, ang pagtatalaga kay bagong nagbitiw na konsehal ng Davao na si Maria Belen Sunga Acosta sa puwestong binakante ni Emmanuel Piñol noong Oktubre 2021. Si Piñol, na nagsilbi rin bilang kalihim ng agrikultura , ay nagnanais din na makaupo sa Senado ngayong Halalan 2022.
Si Acosta ay magsisilbing pinuno ng MinDA sa loob ng anim na taon.
Si Acosta ay dating news anchor ng ABS-CBN-Davao. Siya ay isang senior lecturer sa University of the Philippines Mindanao School of Management, kung saan nagturo siya ng local governance.
Ang kanyang pamilya ay nagmula sa Davao at naging kaibigan ng mga Duterte sa loob ng maraming taon. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pulitika bilang isang konsehal ng lungsod noong 2001, na naglilingkod sa elective post hanggang 2010, at mula 2013 hanggang 2022.
